Larawang Sanaysay

 "Kahirapan"




Sa mundong ito, meron talagang mahihirap at mayayaman. May mga palaboy-laboy at nagugutom. Ang kahirapan ay isa sa pangunahing problema o isyu ng ating bansang Pilipinas. Ito din ang pinakamabigat na problema sa ating komunidad. Ang mga batang palaboy-laboy ay hindi na nabibigyan ng tamang edukasyon. Madaming nanlilimos at nanghihingi nang pagkain sa tabi-tabi ng daanan, palengke, at sa kahit saan na lugar na pwede silang makapanghingi. Minsan sila ay pinagsasabihan na tamad kaya sila ay mahirap. Pero bakit nga ba sila naghihirap?

Kahit saang sulok ng Pilipinas, mayroon talagang mga taong walang matitirahan, walang makakain, at mahihirap. Sabi nga naman ng iba na “dahi yan sa katamaran nila, kaya sila naging mahirap”, na kung tutuusin, may mga magsasakang nagtitiyaga at nagsisikap upang sila ay makaangat sa buhay pero bakit sila ay naghihirap parin na kahit ibinigay na nila ang kanilang lakas, ang kanilang mga anak ay hindi nakakapag-aral. Kadalasan sa kanila ay hindi nakapag-aral dahil sa eskwelahan mismo, kahit na pampibliko ay may kinakailangan bayaran. Ang iba din ay dahil sila ay nawalan na ng magulang. Pero, kahit sila ay nasa sitwasyong ganito, ay nagiging masaya parin sila at sa maliliit na bagay ay sila ay nagiging kontento na. Ang larawan ay nagpapakita nang mensahen na kahit mahirap man sila ay magkakasama parin. Kahit ang iba ay nawalan nang magulan nagsasama-sama parin silang magkakapatid.

Ang pagiging mahirap ay hindi hadlang upang tayo ay mawalan nang respeto. Kadalasan sa mga nakapag-aral ay mga wala nang respeto sa kanilang kapwa, at ang mga walang pinag-aralan ay ang siyang rumerespeto sa kanilang kapwa tao, dahil alam nila kung ano talaga ang totoong buhay. Minsan, kung sino pa ang mahihirap, yun pa ang maasahan. Hindi sa lahat ng oras at araw ay sila ang masama dahil minsan kung sino pa yung nakaangat siya pa ang naninira. Ang pagtulong sa ating kapwa ay hindi mabigat at mahirap, dahil sa kakaunti mong tulong sila ay naka ngiti na. Dapat din tayo maging marunong mag pasalamat at makuntento dahil hindi lahat nang bagay na mayroon tayo ay mayroon di ang iba. Hindi din dapat nating sisihin ang ating mga magulang kung ano tayo ngayon kung bakit tayo ganito at hindi kagaya nang iba, dahil kahit sila ay nasa mahirap na sitwasyon, hindi nila ito isinisi sa kanilang magulang.




Photos from:

https://time.com/3676027/pope-francis-manila-street-children-philippines/

https://www.facebook.com/XinhuaNewsAgency?mibextid=ZbWKwL

Mga Komento