Lakbay Sanaysay

Cebu City



Photo by Nomad Island


Ang Cebu ay isa sa pinakakilalang lugar sa Pilipinas. Bakasyon noon at napag-isipan naming pumunta ng Cebu. Kami ay nag impake at sumakay ng barko. Nang nakarating na kami ng Cebu, kami ay sumkay ng taxi. May mga matataas na gusali, mga naggagandang bahay at iba pa. At dahil kami ay naabutan na ng gabi, kami ay dumiretso muna sa bahay nang aking lola upang makapagpahinga. Pagkabukas, ay ang unang araw upang kami ay pumunta sa iba’t ibang lugar sa Cebu.

Una, kami ay pumunta sa mga mall ng cebu, kagaya ng SM mall at Robinsons mall. Napakalaki ng kanilang mall kung ikukumpara sa mga mall dito sa Dumaguete City. Sa ikalawang araw, kami ay pumunta sa Metropolitan Church, ang laki at ang ganda ng estruktura ng kanilang simbahan. Pagkatapos, kami ay pumunta ng Simala, Cebu City. Kami ay pumunta sa Simala Shrine, parang palasyo lang kung tingnan at may magagandang view na ikaw ay matatanaw. Kami din ay pumunta sa Balauarte De Argao Beach malapit sa Simala Shrine. Maganda at maaliwalas ang hangin. Mararamdaman mo din ang katahimikan at makakapagpahinga talaga ang iyong isipan. At hindi din nagtagal kami ay umuwi na.

Tuwing kami ay naglalakbay ay may nakilala kaming iba’t ibang mababait na tao. Merong mga tumutulong sayo kung ikaw ay naliligaw at meron ding iba nagrerekomenda ng mga magagandang lugar na pwede naming bisitahin. Kung mapapansin mo din ang kakibahan ng kanilang lugar at sa ating lugar, meron talagang malaking kakaibahan. Magkakaiba sa pamamaraan ng transportasyo, sa mga gusali, sa kultura, at kahit sa mga simbahan. May malaki at malawak din sila daanan kesa dito sa Dumaguete, ngunit parepareho lang din silang traffic. Sa Cebu madaming mapupuntahan na lugar, at may madami ding mababait na tao.



Photo from:  https://www.facebook.com/theislandnomadph?mibextid=ZbWKwL



Mga Komento