Aking Karanasan Bilang isang Anak at Mag-aaral
“Nakakaproud talaga ang aking anak ang tali-talino. Ikaw, wag mo namang sabihin na ang baba ng mga grado mo, mamaya na kasi ang ka landian, wag ka kasi puro kaibigan lang”
Ang palagi kong naririnig tuwing may bisita ang aking mga magulang. Mga salitang tumatatak sa aking isipan, mga salitang nagpapasakit sa aking ulo. Ngunit, kinakailangan ko bang ikumpara ang aking sarili sa ibang tao? Kinakailangan ko bang itatak sa aking isipan ang kanilang mga sinasabi? Mahalaga ba ako? Hindi paba sapat ang aking mga ginawa? Ito ang mga katanungan na ating maiisip tuwing tayo ay pinagsasabihan ng mga ganitong salita. Pero hindi natin kinakailangan ang opinion ng iba kung puro din naman pala pagkukumpara at paghihila pababa ang kanilang ginagawa.Bilang isang anak, palagi kong iniisip kung tama ba sila na mahina lang talaga ako sa akademiko.
Lahat nang pinagsasabi nila ay nakakasakit ng damdamin, pero hindi ko ito ginawang rason upang mabagsak sa aking akademiko. Ako bilang isang anak, responsibilidad kong makapag tapos at matulungan ang ang aking mga magulang. Ako bilang isang mag-aaral ay may kahinaan pero hindi sa lahat ng bagay. Ang mga negatibong sinabi nila sa atin ay pwede nating gawing positibo. Kaya, ang mga salita nila ay aking ginawang inspirasyon at tulay para sa aking matagumpay na kinabukasan. Noong elementarya pa ako, naaalala kopa nung mga panahong hindi kopa sila naiintindihan, mga panahong kahit nadama kong masakit binabalewala ko lang. Ngayong ako’y high school na, lahat nang kanilang komento at pinagsasabe angaking tinatanggap nalang. Ito ay dahil ipapakita ko sa kanila na sila ay nagkamali ng ideya tungkol sa akin.
Ang mga ito ay naging gabay upang ako ay magtanda. Ang mga ito ay naging daan upang ako ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang mga ito ay aking ginawang instumento upang ako ay magkaroon nang kumpiyansa at tiwala sa aking sarili na makakaya kong mapatunayan sa kanila na iba ako sa kanilang iniisip. Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas nito kaya isa lang ang aking masasabi at iyon ay; huwag kang magpaapekto sa mga negatibong komento nang iba dahil ang kakayanin mo ang lahat kahit wala sila. Ang pagiging mahina sa isang o dalawang asignatura dahil hindi ito sila hadlang upang ikaw ay mawalan nang pag-asa sa pagsisikap na mag aral. May mga iba't ibang kalakasan tayo, kaya mag tiwala ka sa sarili mo upang makamit mo ang iyong pangarap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento